Patakaran sa Pag-uugali

Gusto naming makapagsaya nang ligtas ang lahat ng gumagamit ng Twoo, na di nakakalimutan ang kanilang mga responsibilidad. Kaya hinihingi namin na basahin ninyo at sundun ang parehong Patakaran sa Pag-uugali at Mga Tuntunin at Kondisyon. At pinakaimportante sa lahat, magsaya!

Mga pwedeng gawin sa Twoo
  • Mag-upload lang ng sarili mong mga litrato at gustong sabihin.

    Sineseryoso namin ang mga copyright. Kung hindi ikaw ang may-ari ng litrato o mga pananalita, huwag mo itong i-post. Dahil, kapag may nakilala ka nga, malalaman nila na hindi ikaw ang crush ng bayan na nakita nila sa litrato. Medyo nakakapahiya 'yun, di ba?

  • Mag-share at mag-share nang pareho!

    Suotin ang pinakamagagandang damit at i-upload ang pinakamagaganda mong litrato. Magsaya ka at ikuwento lahat sa amin. Sabihin ito sa buong mundo. Pero, huwag mang-spam: walang may gusto ng spam!

  • Hinay-hinay lang!

    Mag-isip bago mag-post, mag-isip bago makipagkita at isipin kung saan kayo magkikita. Mukhang di maganda ang isang madilim na lugar sa gubat, ano?

  • Sundin ang mga gabay namin.

    Alam namin, na nakakainis minsan ang mga moderator. Pero, kung ayaw mong sumunod sa mga patakaran namin, maaari ka namang gumawa ng sarili mong website! Ang Twoo, gaya ng ibang magandang relasyon, ay binuo batay sa respeto: respeto sa aming users, sa isa't-isa at sa aming mga moderator.

Mga di pwedeng gawin sa Twoo
  • Huwag i-harass o i-spam ang iba.

    • Huwag mag-publish o magpadala ng mga mensahe o litratong may mapanira, mapanakot, mapanlinlang, mapang-api, galit, agresibo, mapang-api ng lahi, bulgar, mapanirang-puri, mapang-insulto, marahas, bastos o ukol sa pornograpiyang nilalaman.
    • Huwag mag-spam, huwag subukang makakuha ng boto, huwag magpadala ng di hinihiling na patalastas o mga chain letter at huwag punuin o magsulat ng sobrang mahahabang salita.
  • Huwag maging cheap.

    • Huwag mag-post ng mala-pornograpiyang mga litrato at salita.
    • Huwag mag-alok ng prostitusyon o mga serbisyong escort sa aming site.
    • Huwag ipangalandakan ang sarili sa mga tao. Mas mataas ang halaga mo kaysa rito!
  • Huwag gumawa ng anumang iligal sa aming site. Iuulat ka namin sa mga awtoridad kung ito ay gagawin mo.

    • Huwag mag-post ng mapang-aping mga opinyon ukol sa lahi, o mga litrato at huwag abusuhin ang mga tao dahil sa kanilang hinalal na kasarian.
    • Huwag mag-alok ng mga serbisyong prostitusyon o escort. Huwag ibulid ang sarili sa pornograpiya ng bata o sodomy.
    • Huwag mag-publish ng content na hindi ikaw ang may karapatan sa pag-aari. Ikaw ang mag-isang mananagot para sa content na ipa-publish mo. Hindi mapananagot ang Twoo kapag nag-publish ka ng content na hindi ikaw ang may-ari. Magpapatupad ng parusa ang Twoo kapag nasabihan ng tungkol sa content na lumalabag sa mga karapatan ng ikatlong partido.
    • Huwag subukang i-hack ang Twoo o ang account sa Twoo ng iba. Kapag ito ay ginawa mo, maaari kang makulong at/o singilin ng multa.

Ang di pagsunod sa mga gabay na ito ay magreresulta sa babala o sa pagba-block ng account mula sa site. Tandaan na hindi namin kayo kailangan bigyan ng abiso bago namin ito gawin. Sa mga kaso ng malulubhang paglabag, agad ka naming iba-block mula sa site nang walang opsiyon upang magamit mong muli ang iyong account.

Ang mga bagay na ito ay para mapanatiling masaya ang Twoo bilang lugar kung saan maaari kang makipagkaibigan sa lahat ng user. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga ito, mangyaring sumali sa ibang site o gumawa ng pansarili mo.

Mga reklamo?

Maaari mong iulat ang lahat ng kasong patungkol sa abuso sa pamamagitan ng pag-click sa button na 'Iulat ang abuso'.